Tiuseco

Economic team binago MUP pension

230 Views

GUMAWA ng pagbabago ang economic team ng Marcos administrasyon sa mungkahing pensyon para sa mga military and uniformed personnel (MUP) matapos ang isinagawang konsultasyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Air Force (PAF), at Presidential Security Group (PSG).

Sa isang dayaologo, iprenisinta ni Department of Finance (DOF) Undersecretary Maria Luwalhati Dorotan Tiuseco ang bagong panukala ng economic team.

Sa ilalim ng panukala, mayroong tatlong opsyon para sa mga kukuha ng optional retirement.

Option 1: Kunin lahat ng pension benefits kapag nagretiro na kasing halaga ng net value pension benefits

Option 2: 60 months advance pagkatapos ay buwanang pensyon matapos ang limang taon

Option 3: Tumanggap ng buwanang pensyon sa edad na 57

Sinabi ni DOF Undersecretary Maria Cielo D. Magno na patuloy ang pag-iisip ng economic team ng mga opsyon para sa mga MUP.

Nagpasalamat naman si Command Sergeant Major Wilfredo S. Morales sa mga ginawang paglilinaw ng DOF.