Yamsuan

Bicol Saro Party List pinaalalahanan ang Meralco na maging maingat

Mar Rodriguez Jun 14, 2023
141 Views

Kasunod ng power outage sa NAIA Terminal 3

PINAALALAHANAN ng Bicol Saro Party List Group sa Kamara de Representantes ang Manila Electric Company (Meralco) na dapat dagdagan pa nila ang kanilang pag-iingat bilang power distributor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Matapos nitong aaminin ang naging kapalpakan o “procedural lapse” ng isa sa nilang tauhan na nag-resulta sa panibagong power outage sa NAIA Terminal 3 noong nakaraang linggo.

Binigyang diin ni Bicol Saro Party List Congressman Brian Raymund Yamsuan na maliban sa obligasyon ng Meralco sa Manila International Airport Authority (MIAA) na mag-serbisyo ng kuryente sa NAIA sa ilalim ng isang kontrata. Iginiit ni Yamsuan na mas may malaking pananagutan din ang Meralco sa mamamayang Pilipino na pinagsisilbihan nito.

Sinabi pa ni Yamsuan na lubhang pag-iingat o extraordinary diligence ang kinakailangang gawin ng Meralco sapagkat hindi dapat makalimutan ng nasabing kompanya na responsibilidad nila ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa publiko.

Bukod dito, ikinatuwiran pa ng kongresista na dapat maging pangunahing priority ng Meralco ay ang interes ng publiko. Kung kaya’t hindi sila dapat maging pabaya sa kanilang responsibilidad at pagtupad sa kanilang tungkulin.

“Lubhang pag-iingat o extraordinary diligence ang dapat na hindi nakakalimutan ng Meralco pagdating sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko. Meralco is a business imbued with public interest. It cannot be lax or reckless in doing its job,” ayon kay Yamsuan.

Bagama’t humingi na ng paumanhin ang Meralco, sinabi pa ni Yamsuan na hindi umano bastante o sapat ang paghingi nito ng paumanhin upang makaligtas sila o makaiwas sa kanilang pananagutan.

Matapos ikatuwiran ni Yamsuan na napatunayan mismo na talagang may pananagutan ang Meralco bunsod ng kanilang kapalpakan o “procedural lapse” dahil narin sa kanilang sariling kapabayaan at maaari aniya silang managot sa ilalim ng batas.

“We have been pounding at MIAA officials and blaming them for the power outages at the airport during the congressional hearings held on this issue. Now that Meralco is at fault is an apology enough?” Sabi pa ni Yamsuan.