PCSO

2 mananaya hati sa P15.84M SuperLotto jackpot

76 Views

DALAWA ang maghahati sa P15.84 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na binola noong Linggo, Hunyo 12.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang nakakuha ng winning number combination na 18-29-21-48-10-08 ay tumaya sa Makati Cinema Square, at JP Rizal, Maypajo, Caloocan City.

Samantala, nanalo naman ng tig-P50,000 ang 27 mananaya na nakalimang numero at tig-P1,200 naman ang 1,552 mananaya na nakaapat na numero. Ang 24,617 na nakakuha naman ng tatlong lumabas na numero ay nanalo ng tig-P50.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.

Ang premyo na mahigit P10,000 ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.