NAIA

PITX-NAIA route binuksan na

110 Views

BINUKSAN na Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) – Ninoy Aquino International Airport (NAIA) loop route upang mas madali ang biyahe ng mga pasahero.

Ang mga bus ay bibiyahe sa naturang ruta mula alas-5 ng umaga hanggang 8 ng gabi.

Ang mga bus ay paparada sa PITX Gate 5, Bay 31, at magdadala ng mga pasahero sa NAIA Terminal 1, Terminal 2, at Terminal 3 at pabalik.

Daraan din ang mga bus sa NAIA Park ’N Fly at Tambo, Parañaque City.

Nagkakahalaga ng P150 ang pamasahe.