PCSO

Mananaya sa Makati tumama ng P8.9M sa MegaLotto

99 Views

ISANG mananaya sa Pio del Pilar, Makati City ang nakasungkit ng P8.91 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 sa bola noong Hunyo 7.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) isa lang ang nakakuha sa lumabas na kombinasyong 27 – 10 – 18 – 08 – 40 – 36.

Nanalo naman ng tig-P32,000 ang 26 mananaya na nakaapat na numero, tig-P1,000 ang 1,403 mananaya na nakaapat na numero at tig-P30 ang 23,275 na nakatatlong numero.

Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.

Ang premyo na mahigit P10,000 ang halaga ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.