Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
2 suspek sa panghahataw ng martilyo, nasakote
Edd Reyes
Apr 11, 2025
448
Views
ARESTADO ang dalawang scavenger na umano’y nanuntok at namalo ng martilyo sa ulo ng lalaking sumita sa pagsisiga nila sa tabi ng kanyang tindahan noong Huwebes sa Valenzuela City.
Nadakip ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang mga suspek na sina alyas Baduso, 27; at alyas Castro, 35.
Ayon kay Col. Cayaban, lumabas ng kanyang tindahan ang biktima nang mapuna ang pagsisiga ng mga suspek sa kanto ng Libiran St. at McArthur Highway, Malanday para sitahin.
Nang tumalikod ang biktima papasok ng tindahan, sinuntok na siya sa likod ni Baduso at hinataw naman ng martilyo sa ulo ni Castro.
Nabawi ng mga pulis sa mga suspek ang martilyo at nahaharap sa kasong attempted murder.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

