Galvez

Galvez itinalagang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity ni PBBM

143 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Defense officer-in-charge Carlito Galvez Jr. bilang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) itinalaga rin ng Pangulong bilang senior undersecretary ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity si Isidro Purisima.

Hinawakan ni Galvez ang kaparehong puwesto noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay Galvez siya ay inatasan na tumulong sa Bangsamoro peace process.

Si Galvez ay pamilyar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at mayroong papel sa Marawi siege noong 2017.