Boga Sinabi PLt. Col. Police Lieutenant Colonel Leopoldo Cajipe Jr. na naispatan ang suspek dahil sa kahina-hinalang kilos. Kalaunan ay natimbog ang nasabing lalaki dahil sa pagdadala ng baril na walang rehistro. JONJON C. REYES

Lalaki dinakip dahil sa boga na walang lisensiya

Jon-jon Reyes Aug 10, 2026
23 Views

TIMBOG ang lalaki sa mga operatiba ng Manila Police District -Binondo Police Station dahil sa pagdadala ng baril na walang lisensya sa Delpan St., Binondo, Manila noong Linggo.

Nakilala ang suspek na si alyas Adam Abdul, 42, ayon kay Police Lieutenant Colonel Leopoldo Cajipe Jr., station commander ng MPD Meisic Binondo Police Station 11.

Bandang alas-11:20 ng tanghali naaresto ang suspek sa kasong paglabag na RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Nasa patrol operation sina PSSg Alvin Bong Avila Olayres at PCpl. Kevin John Chiu Razon ng maispatan ang suspek dahil sa kahina-hinalang kilos.

Nilapitan at tinanong ng mga pulis ang suspek pero napag alaman na may bitbit na kalibre 38 na baril kaya naaresto at nakumpiska ang baril
na may apat na bala.

Ang nakumpiskang baril at mga bala ay ipapadala sa Forensic Unit para sa ballistic examination.

Hihiling para sa beripikasyon ng rekord sa RCSU hinggil sa suspek upang matukoy kung siya ay mayroong License to Own and Possess Firearms, Firearms Registration at Permit to Carry Firearms Outside Residence.