Calendar
Senado sinuspinde impeachment trial, plenary session dahil sa inaasahang malakas na ulan
SINUSPINDE ng Senado ang impeachment trial at plenary session nitong Lunes, Agosto 10, matapos payagan ni Senate President Sherwin T. Gatchalian ang mga opisyal at empleyado ng Senado na magtrabaho mula sa bahay bunsod ng inaasahang malakas na pag-ulan kaugnay ng southwest monsoon.
Naglabas si Senate Secretary Atty. Renato N. Bantug Jr. ng advisory para sa pagpapatupad ng work-from-home arrangement kasunod ng Memorandum Circular No. 123 ng Office of the President na inilabas noong Agosto 9, 2026.
Ayon sa advisory, saklaw ng kautusan ang mga opisyal at empleyado ng Senado dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan.
Kinansela ang impeachment trial at plenary session na nakatakda noong Lunes at ipagpapatuloy ang mga ito sa Martes, Agosto 11, 2026, ayon sa advisory.
Hindi tinukoy sa memorandum kung magpapatuloy pa ang work-from-home arrangement lampas sa Lunes.
