Martin2

Mag-asawang Romualdez sumaklolo sa mga binaha sa Bukidnon, P11M ayuda ipinadala

137 Views

Muling sumaklolo ang mag-asawang Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa kanilang kapwa kongresista at nagpadala ng tulong sa mga residente ng distrito ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores na niragasa ng baha kamakailan.

Ang kanilang pagtulong, ayon kay Speaker Romualdez ay alinsunod sa misyon ng administrasyong Marcos na magbigay ng mas maayos na serbisyo publiko sa buong bansa.

Ang maga-asawang Romualdez, sa tulong ni Tingog Rep. Jude Acidre ay naghanda ng P500,000 halaga ng cash assistance, P500,000 halaga ng relief goods, at P10 milyong ayuda sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian.

“We are united with the province of Bukidnon during this time of need. With the steady resolve of Congressman Jonathan and Congresswoman Yedda hope that the flood victims would be able to get back on their feet sooner than later,” ani Speaker Romualdez.

Ang P500,000 cash assistance at P500,000 pambili ng relief goods ay ibinigay sa tanggapan ni Flores noong Huwebes, Hunyo 29. Ang pera ay mula sa personal relief fund ni Speaker Romualdez.

Ang mga tanggapan ng mag-asawang Romualdez naman ang nag-asikaso para agad na maipamigay ang P10 milyong pondo mula sa DSWD.

Sinabi ni Flores, ang kumakatawan sa ikalawang distrito ng Bukidnon, na magtatayo ito ng community pantry para sa mga binaha.

Nasa 6,810 pamilya ang naapektuhan ng baha sa lugar: 482 pamilya sa Highway Cabangahan; 941 sa Aglayan; 265 sa San Jose; 401 sa Bangcud; 636 sa Sinanglanan; 462 sa Violeta, 537 sa Sto. Niño; 1,386 sa Managok; 821 sa Simaya; at 879 sa San Martin.

Nauna rito, nagbigay ang mag-asawang Romualdez at Acidre ng tulong sa mga inilikas dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon sa Albay.

Ang pondo na natanggap ni Albay 3rd district Rep. Fernando Cabredo ay ginamit nito sa itinayong community pantry. Galing ang mga ipinamimigay sa community pantry sa ani ng mga lokal na magsasaka.