Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Acidre

Acidre dumalo sa groundbreaking ceremony ng PRO 8 Grandstand

357 Views

DUMALO si Tingog Partylist Representative Jude A. Acidre sa groundbreaking ceremony para sa itatayong Grandstand ng Police Regional Office 8 sa Palo, Leyte.

Nakasama ni Acidre sa event si Police Brig. Gen. Owen S. Andarino, Officer-in-Charge – PRO 8.

Naging posible umano ang pagtatayo ng Grandstand sa Camp Sec. Ruperto K. Kangelon sa Palo, Leyte pagtutulungan ng PRO 8, Tingog Partylist na pinamumunuan ni Rep. Yedda K. Romualdez, at Dir. Engr. Edgar Tabacon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 8.

Ang PRO 8 Grandstand ay nagawan na umano ng disenyo noon pang 2020 at napondohan na sa ilalim ng PNP Trust Receipt Fund ng General Appropriations Act.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P19 milyon at itatayo ng Gilbert O. Consebido (GOC) Builders.

Nangako ang Tingog Partylist ng patuloy na pagsuporta sa PRO 8 upang mapanatili nito ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.