Calendar
JV patuloy na pinagbabantaan
PATULOY at walang tigil na harassment at intimidasyon ang ginagawa kay Deputy Majority Leader Senator Joseph Victor “JV” Ejercito.
Ito ang isiniwalat ni Ejercito sa ginanap na Kapihan sa Senado media forum, kung saan ay nag apela siya sa mga ito na manindigan para sa kapwa Pilipino at para sa bansang Pilipinas at huwag kagatin ang stratehiya ng mga Intsik na paghati hatiin tayo.
Ibinulgar ni Ejercito na ang mga hayagang umaatake sa kanya ay kilalang mga suporter umano ni dating Pangulong Duterte na walang tigil na pag alipusta sa kanyang pagkatao dahil sa matigas niyang paninindigan laban sa mapang api na istilo ng mga Chinese militia kaugnay sa pinagtatalunan na West Phil Sea.
Sinabi ni Ejercito na kaya niyang lunukin ang lahat ng masasakit na salitang ibinabato sa kanya ngunit hindi niya aniya masikmura na ang mga Pilipinong ito ay hayagang pinakikitang tagapagtanggol sila ng Tsina at hayagang tinatalikuran ang kaniyang pagmamahal para sa bansa sa gitn ng pang-aapi na dinadanas natin sa kasalukuyan.
“Paulit ulit ko po sasabihin at ipapa alala sa lahat na iisa lang ang bansang Pilipinas at iisa lang ang ating bansa. Huwag po tayong tumalikod sa ating pagiging Pilipino. Huwag po natin kagatin ang stratehiyang hati hatiin tayo.” ani Ejerctio kung saan ay nanawagan siya ng pagkakaisa .
Nagpahayag siya ng kalungkutan dahil si dating Pangulong Duterte aniya ay isang mabuting kaibigan niya ngunit nagtataka siya kung bakit inuulan siya ng galit at batikos kapalit ng kanyang matigas na pagsuporta sa mga kababayan natin na nagbubuwis ng buhay sa pagtanggol sa WPS.
Hayagan din niyang sinabi na ang mga avid suporter ng dating Pangulong Duterte ay nagagamit na susi upang magkaroon ng destabilisasyon sa kasalukuyan at ipakitang nag aaway away ang mga Pilipino na hindi aniya magandang tignan mata ng mundo.
Gayunman, iginiit ni Ejercito na hindi siya tatahimik at matatakot sa mga batikos at imbentong na paratang laban sa kanya.
“I will never back down. No, because I know that we’re in the right position in fighting for our sovereignty and our country,” ani Ejercito.
“Wala na pong hihigit pa sa pagmamahal sa sariling bayan. Huwag po tayong maghati hati. We have to stand one and united.” dagdag pa nito.
Pinaalalahanan niya ang mga Duterte suporter na anumang destabilisasyon at adventurism ay hindi makatutulong para sa bansa kung saan ay kailangan natin ingatan ang ating kasalukuyan ekonomiya bunga ng maraming pagsubok na dinadanas ng mundo.
Samantala, ipinahayag din ni Ejercito sa naturang Kapihan ang kanyang hiling na sana aniya ay hindi i Veto ni Pangulong Marcos jr., ang proposed 2024 General Appropriations Bill na inaasahan nilang mapipirmahan ngayon araw na ito, December 20, 2023 sa Malacañang Palace.