BBM

9 artist idineklarang Manlilikha ng Bayan for 2023 ni PBBM

233 Views

INILABAS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 427 na nagdedeklara sa siyam na indibidwal bilang “Manlilikha ng Bayan for 2023” bilang pagkilala sa kanilang natatanging kakayanan.

Sa dalawang pahinang proklamasyon na pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, kinilala bilang “Manlilikha ng Bayan for 2023” sina Adelita Romualdo Bagcal, Abina Tawide Coguit, Sakinur-ain Mugong Delasas at Bundos Bansil Fara.

Artists Marife Ravidas Ganahon, Amparo Balansi Mabanag, Samporonia Pagsac Madanlo, Barbara Kibed Ofong at Rosie Godwino Sula.

Sina Bagcal (master of Oral Traditions mula sa Banna, Ilocos Norte) ay kinilala dahil sa kanyang promosyon ng Dallot at iba pang oral traditions ng mga Ilokano samantalang si Coguit (embroiderer mula sa La Paz, Agusan del Sur) dahil sa pagpapa-unlad ng Agusan Manobo suyam (embroidery) tradition.

Si Delasas (Sama master ng traditional dance mula sa Bongao, Tawi-Tawi) ay kinilala sa kanyang promosyon ng Sama igal (dance) tradition at si Fara (T’boli brasscaster mula sa Lake Sebu, South Cotabato) sa kanyang pagpapanatili ng T’boli temwel (brasscasting) tradition.

Kinilala naman ng Pangulo si Ganahon, isang Higaonon mat weaver mula sa Malaybalay, Bukidnon dahil sa kanyang kontribusyon sa Higaonon ikam (mat weaving) tradition.

Si Mabanag (Ga’dang embroider mula sa Paracelis, Mountain Province) ay kinilala sa kanyang pagbibigay ng proteksyon at promosyon ng Ga’dang manu’bak at ameru (breadworks at embroidery) traditions samantalang si Madanlo (isang Mandaya ikat weaver mula sa Caraga, Davao Oriental) sa kanyang promosyon ng Mandaya dagmay (ikat weaving) tradition.

Si Ofong (T’boli ikat weaver mula sa Lake Sebu, South Cotabato) ay kinilala naman sa kanyang pagbibigay ng proteksyon at promosyon ng T’boli t’nalak (ikat weaving) tradition at si Sula (T’boli chanter mula sa Lake Sebu, South Cotabato) sa kanyang pagtataguyod ng T’boli lingon (chanting) tradition.