Calendar
DS Suarez binuweltahan mga akusasyon ng dating House Speaker
Kaugnay sa planong amyenda sa Saligang Batas
HINDI nagpatumpik-tumpik ang bagong talagang Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon province at agad bumuwelta sa mga walang basehang akusasyon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na nais lang pagwatak-watakin ang Kamara de Representantes.
Kasabay nito binigyang diin din ni Suarez ang kahalagahan ng isang konstruktibong dayalogo sa Kongreso at sinabing ang mga alegasyon ni Alvarez ay layon lang idiskaril ang progreso hinggil dito.
Tugon ito Deputy Speaker sa isang panayam ni Alvarez sa telebisyon kung saan niya kinuwestyon ang pagiging lehitimo ng nagpapatuloy na People’s Initiative (PI) para amyendahan ang 1987 Constitution at ang ang akusasyon na may kinalaman dito si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez—bagay na makailang beses nang pinabulaanan ng liderato ng Kamara, mambabatas at iba pang grupo na nagsusulong ng reporma sa konstitusyon.
Sinabi rin ni Alvarez na kumakatawan sa unang distrito ng Davao del Norte, na hindi niya mawari kung bakit kailangan amyendahan ng Konstitusyon at ginagamit pa ang economic provisions nito bilang dahilan.
Pinuna ni Suarez ang biglaang pagbaliktad ni Alvarez at aniya’y wild, baseless and reckless” na alegasyon laban kay Speaker Romualdez.
Minaliit ng mambabatas mula sa ikalawang distrito ng Quezon ang mga alegasyon ni Alvarez na pawang walang katotohanan at nais lamang sirain ang kasalukuyang proseso ng constitutional economic.
“Former Speaker Alvarez’s allegations are not just unfounded; they reek of desperation and a disregard for the truth. Accusing Speaker Romualdez of orchestrating the ‘People’s Initiative’ without a shred of concrete evidence is not only irresponsible but also a clear attempt to destabilize our legislative proceedings,” sabi ni Suarez
Tinawag ding impokrito ni Suarez ang mga pahayag ni Alvarez na dati naman ay masugid na nagsusulong sa charter change noong pagsisimula ng adminsitrasyon Duterte.
Katunayan, kasama aniya si Alvarez sa 301 miyembro ng Kamara na bumoto pabor sa pagpapatibay ng Resolution of Both Houses No. 6 noong Marso na nagpapatawag ng constitutional convention para amyendahan ang 1987 Constitution.
“This underscores the inconsistency in former Speaker Alvarez’s current stance on constitutional reforms, considering his prior support for RBH 6 last year,” giit ni Suarez
Kwestyunable ani Suarez kung ang biglang pagbabago ng posisyon ni Alvarez ay para sa sariling interes o para talaga sa kapakanan ng bansa.
“It’s baffling that someone who vigorously pushed for constitutional reforms in the past is now attempting to cast doubt on the very process he once championed. This raises serious questions about the credibility and sincerity of his current objections,” paghahayag ni Suarez
Muling bingiyang diin ni Suarez na ang gumugulong na reporma sa Saligang Batas ay nakaayon sa batas at salig sa Konstitusyon.
Nanawagan din ito sa mga kapwa mambabatas na huwang padala sa “divisive tactics” ni Alvarez at sa halip ay ituon ang atensyon sa paglilingkod para sa interes ng mga Pilipino at pagpapaigting sa pamamahala.
“It’s regrettable that instead of contributing constructively to the ongoing constitutional discussions, former Speaker Alvarez has chosen to indulge in baseless mudslinging. Our priority should be the well-being of our constituents, not engaging in petty political theatrics,” saad ni Suarez.
Kasabay nito ay pinasinungalingan din ni Suarez ang paratang ni Alvarez na inilipat sa unprogrammed funds ang pondo para sa infrastructure projects ng mga congressional district na hindi bahagi ng supermajority.
Naalarma kasi si Alvarez sa paglaki ng unprogrammed funds na kahalintulad na ng pork barrel.
Tugon ni Suarez “The use of unprogrammed funds strictly adheres to transparent and legal processes. Our commitment to financial transparency is unwavering, and every allocation and reallocation undergoes rigorous scrutiny to ensure adherence to established protocols.”
Wala rin ani Suarez na distriminasyon sa paglalaan ng pondo sa mga miyembro ng Kamara na hindi kasama sa supermajority.
“Decisions within Congress are made based on merit, and our leadership ensures inclusivity and fairness in every aspect of our legislative agenda,” diin ni Suarez
Bilanng tugon sa pagtutol ni Alvarez sa itinutulak ng supermajority sa constitutional amendment sinabi ni Suarez ang kahalagahan ng aktibong legislative agenda.
“The suggested changes aim to meet the changing needs of our nation. Our dedication to progress propels the push for constitutional change, centered on shared goals for the benefit of the Filipino people,” sabi ni Suarez
Hinikayat naman ng Deputy Speaker ang kaniyang mga kasamahan na tindigan ang pangako na amyendahan ang luma nang probisyong pang ekonomiya ng 1987 Constitution na nakakabalam sa pagkamit ng full economic potential ng Pilipinas
Mahalaga din aniya ang pagkakaisa nila para tugunan ang mga hamong kinahaharap at pagsuporta sa liderato ni Speaker Romualdez.
“Speaker Romualdez has demonstrated unwavering dedication to our shared objectives. Under his guidance, we have the strength to navigate the complexities of constitutional amendments and emerge stronger as a legislative body,” wika pa ni Suarez.