Just In

Calendar

November 2024
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
BBM

Marcos aminado: Cha-cha nagamit na sa pangpulitika

Chona Yu Jan 31, 2024
135 Views

AMINADO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagamit na sa pangpulitika ang pag-amyenda sa saligang batas o Charter Change sa pamamagitan ng people’s initiative (PI).

Sa ambush interview sa Vietnam, sinabi ni Pangulong Marcos na bago umalis ng bansa, kinausap niya muna ang mga mambabatas at iba pang eksperto sa batas para hanapan ng paraan ang pagbabago ng saligang batas.

“So, napupunta sa ibang usapan at nagagamit na pangpulitika itong isyu na ito. So , I’ve asked the leaders of both Houses and again, some of the best constitutional minds that we have in the Philippines to come up with a simpler solution that does not cause so much controversy,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, isa sa mga pinagtatalunan ng mga kongresista at mga senador ay kung boboto bilang isang kongreso o hiwalay na botohan.

Pero ayon sa Pangulo, base sa interpretasyon ng mga eksperto, hiwalay ang magiging botohan ng kongreso sa Charter Change.

Sa ngayon, aminado si Pangulong Marcos na hindi niya batid kung ano ang mangyayari sa isinusulong ngayon na people’s initiative.

“We don’t know yet. We haven’t made those decisions yet. But I think as of now the People’s Initiative is—they’re continuing… but it is not–I don’t know if that is still one of the options that remains for us,” pahayag ni Pangulong Marcos.