BBM1

Code of conduct sa pagitan ng PH, Vietnam binubuo na

Chona Yu Jan 31, 2024
87 Views

MALAPIT na.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa binubuong code of conduct sa Vietnam.

Sa panayam sa Vietnam, sinabi ni Pangulong Marcos na may nabuo nang kasunduan ang Pilipinas at Vietnam.

“Well, we’re pretty much there,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“Ang Memorandum of Understanding na ating ginagawa between our two coastguards pati ‘yung mga plano na magkakaroon ng mga joint cruises, joint exercises, this year, 2024,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Kung hindi man aniya matapos ang code of conduct sa China at sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations, mas makabubuting gawin na muna sa bilateral na pamamaraan.

Sa ganitong paraan, sinabi ni Pangulong Marcos na maiiwasan na magkaproblema ang Pilipinas sa Vietnam, Brunie, Malaysia at iba pa.