Kongreso hinikayat talakayin lumolobong presyo ng gasolina

Mar Rodriguez Mar 13, 2022
480 Views

MULING iginiit ng isang Party List lady solon ang pagsasagawa ng “Special Session” ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalayong talakayin ang unti-unting lumolobong presyo ng gasolina kasunod ng pagkakatatag sa Fuel Crisis Ad Hoc Committee.

Nauna rito, binuo ni House Speaker Lord Allan Velasco ang naturang Komite na ang pangunahing layunin ay tulungan ang pamahalaan sa paghahanap at pagbabalangkas ng mga solusyon kaugnay sa malaking “impact” ng oil price hike sa ekonomiya ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni AAMBIS-Owa Rep. Sharon Garin na napakalaking epekto para sa mga motorista ang P5-5.85 at 3.6 per liter na pagtaas sa presyo ng diesel at gasolina.

“We have witnessed an average increase of P5-5.85 per liter increase in diesel prices and P3.6 per liter for gasoline. That is already such a big increase and triggered long lines in gasoline station,” ayon sa mambabatas.

Sinabi din ni Garin na alinsunod sa pagtataya ng Means of Platts Singapore (MOPS) inaasahan na sa daraying na Marso 15 ay maaaring pumalo pa hanggang sa P12.00 at P8.30 per liter ang presyo ng diesel at gasolina na lalo pang magpapadagdag sa hirap ng publiko.

Dahil dito, iminungkahi ng kongresista ang pagkakaroon ng “Special Session” ang Kongreso para talakayin ang mga hakbang na maaaring magawa ng Mababang Kapulungan kaugnay sa krisis na ito.

“This is already an emergency and there are more we can do in Congress to at least mitigate the effects of the oil price increase to our already ailing economy,” sabi pa nito.

Ipinaliwanag din ni Garin na kung sakaling magkakaroon ng “Special Session” kinakailangan aniyang bumalangkas ng mga hakbang ang mga kapwa niya mambabatas para solusyonan ang kasalukuyang krisis sa presyo ng gasolina.

“If and when the House convenes a Special Session. There should be a review on the unbundling of the oil price and inclusion of the minimum inventory requirements provision to the Oil Deregulation Las as proposed by the Department of Energy (DoE),” sabi ni Garin.