Calendar
DS Frasco tuloy ang pamamahagi ng scholarship grants upang mga magulang matulungan
PARA kay House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” D. Frasco, tuloy-tuloy ang kaniyang paglilingkod kahit naka-break ang Kongreso.
Pinangunahan ni Frasco ang pamamahagi ng scholarship grants para sa libo-libong mag-aaral o mga “Team Frasco scholars” mula sa Munisipalidad ng Catmon, Cebu para sa school year 2023-2024.
Nabatid ng People’s Tonight na personal na ipinamahagi ni Frasco ang scholarship grants para sa 1,850 estudyante o recipients mula sa mga Munisipalidad ng Catmon at Sogod.
Sinabi ni Frasco na nahahabag siya sa kalagayan ng mga estudyante sa kaniyang distrito sapagkat hirap na hirap ang kani-kanilang pamilya na sila’y mapag-aral dala ng matinding kahirapan. Ang ibang mga magulang naman ay iginagapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Ayon sa kongresista, malaki ang naitutulong ng ipinamamahagi nilang scholarship grants para maibsan ang bigat na pinapasan ng mga magulang upang mapag-aral ang kanilang mga anak. Kasabay nito ang pagtulong sa mga mag-aaral na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.
Sabi pa ni Frasco na bukod sa mga ipinamahagi nitong scholarship grants sa mga estudyante nagbigay din ang Team Frasco ng limang laptops para sa ginanap na raffle. Ang ipinambili ng limang laptops ay galing mismo sa personal na pondo ng House Deputy Speaker.