Calendar
Speaker Romualdez: VP Sara prerogative na di dumalo pero SONA mahalaga para sa pagkakaisa
HINDI umano sapilitan ang pagdalo sa State of the Nation Address (SONA) at prerogative ni Vice President Sara Duterte kung pupunta o hindi, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Pero ipinaalala ni Romualdez na ang SONA ay hindi isang simpleng event kundi isang mahalagang sandali upang magka-isa at magtulungan ang mga lider ng bansa para isulong ang bansa.
“Every public official has the prerogative to decide on their attendance at significant events. However, the State of the Nation Address (SONA) is a crucial moment for unity and collaboration among our nation’s leaders,” sabi ni Speaker Romualdez.
“It is a time to reflect on our progress, address challenges, and outline our vision for the future,” dagdag pa ng lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Sa isang panayam, sinabi ni VP Duterte na hindi ito dadalo sa SONA at itinalaga ang kanyang sarili bilang designated survivor o ang itinalagang opisyal na mamuno sa bansa kung mamamatay ang mga opisyal na magtitipon sa SONA.
“Our constituents deserve to see their leaders united and focused on the collective good,” saad pa ni Speaker Romualdez.
Tiniyak naman ni Speaker Romualdez ang pakikipagtulungan ng Kamara sa iba’t ibang sangay ng gobyerno upang mapaganda ang estado ng buhay ng mga Pilipino.
“Despite the Vice President’s absence, the House of Representatives remains committed to working with all branches of government to ensure that President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.’s SONA reflects our collective efforts to improve the lives of Filipinos. Unity and collaboration will continue to guide us forward,” wika nito.