Bitrics1 Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro

OVP tinangkang pigilan COA na isumite pano ginastos P125M fund sa loob ng 11 araw

83 Views

TINANGKA ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na pigilan umano ang Commission on Audit (COA) na isumite sa Kamara de Representantes ang ulat nito na naglalaman kung papaano ginastos ang P125 milyong confidential fund sa loob ng 11 araw noong 2022, ayon kay Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro.

Pinapurihan naman ni Luistro ang COA sa pagkilala nito sa kapangyarihan ng Kongreso na suriin ang audit report, kung saan inatasan nito ang Office of the Vice President (OVP) na isauli ang P73 milyon sa P125 milyong confidential fund dahil sa kuwestyunableng paggastos.

Ayon kay Luistro, ang tangka ng OVP na harangin umano ang pagbibigay ng COA ng ulat nito sa Kongreso ay maituturing na “suppression of public information.”

Iginiit ni Luistro na sa ilalim ng Konstitusyon ay mayroong kapangyarihan ang Kongreso na himayin kung papaano ginagastos ng mga ahensya ng gobyerno, kasama ang OVP, ang pera ng taumbayan.

Ito ay mahalagang bahagi aniya ng sistema ng checks and balances sa isang demokratikong gobyerno upang matiyak na tama ang ginagawang paggastos.

“The Constitutional power of Congress to review the spending of public funds is not just a right but a duty. It is our responsibility to ensure that every peso of taxpayers’ money is spent for its intended purpose and not misused,” saad ni Luistro.

“This scrutiny extends beyond merely approving budgets—it involves a continuous evaluation of how these funds are actually spent, particularly when it comes to sensitive allocations such as confidential funds,” dagdag ng mambabatas.

Anumang maling paggasta ng isang ahensya ay magreresulta umano sa kakayanan at kaayusan ng namumuno rito.

“Confidential funds are intended for specific, sensitive purposes that require a higher degree of discretion. However, this does not mean they are exempt from oversight. The public has a right to know if these funds are being used properly, and it is the role of Congress to ensure this through audits and other investigative measures,” dagdag pa ni Luistro.

Sa isang liham na may petsang Agosto 21, 2024, o anim na araw bago sumalang sa pagtalakay ng House committee on appropriations ang panukalang pondo ng OVP para sa 2025, pinayuhan ng Undersecretary at Chief of Staff ni Duterte na si Atty. Zuleika Lopez ang COA laban sa pagtalima sa subpoena duces tecum na inilabas ng komite kaugnay ng audit report sa P125 milyong confidential fund noong 2022.

Hirit ng OVP sa sulat nito, malalabag ang “Constitutional Principle of Separation of Powers” at “right to due process” ng OVP.

“The subject subpoena may not be validly enforced due to the nature of confidential funds,” saad ng OVP.

Tinabla naman ni Luistro ang patutsada ng OVP at sinabi na hindi absolute ang Separation of Powers at may mga exemptions dito.

Maliban dito, binigyan na aniya ng Kongreso ng mga pagkakataon ang Bise Presidente para ipaliwanag ang naturang paggastos sa kontrobersyal na audit report.

“The principle of Separation of Powers ensures that no branch of government operates unchecked. But when it comes to the oversight of public funds, this principle must yield to the need for transparency and accountability. The Vice President was given every opportunity to explain the spending but chose instead to obstruct the process,” punto ni Luistro.

Muling iginiit ni Luistro na may responsibilidad ang Kongreso, salig sa Saligang Batas, na busisiin ang pondo ng lahat ng ahensya ng gobyerno upang matiyak na tamang nagagamit ang buwis na binabayaran ng taumbayan.

“This scrutiny is not just about legality; it is about ensuring that the people’s money is used in a manner that truly benefits the public. When an official attempts to hide spending details, it undermines the very trust that the public places in its leaders,” pagtatapos ng mambabatas.