Valeriano1

VP Sara Duterte dapat maglabas ng katibayan kung papaano ginastos bilyon pisong pondo para sa socio-economic programs

Mar Rodriguez Sep 4, 2024
101 Views

Valeriano𝗛𝗜𝗡𝗔𝗠𝗢𝗡 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝘀𝗶 𝗩𝗶𝗰𝗲-𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗜𝗻𝗱𝗮𝘆 𝗦𝗮𝗿𝗮 𝗗𝘂𝘁𝗲𝗿𝘁𝗲 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗶𝘄𝗮𝗻𝗮𝗴 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗽𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘀𝘁𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗩𝗶𝗰𝗲-𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 (𝗢𝗩𝗣) 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗯𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻 𝗽𝗶𝘀𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 “𝘀𝗼𝗰𝗶𝗼-𝗲𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗽𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺𝘀” 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝘁𝗮𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗻𝘂𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻 (𝟮𝟬𝟮𝟯).

Sa kaniyang privilege speech sa Plenaryo ng Kamara de Representantes binatikos ni Valeriano ang Pangalawang Pangulo bunsod ng kawalang respeto na ipinakita nito sa harapan ng mga kongresista matapos itong humarap sa budget briefing ng House Committee on Appropriations kung saan nakasalang ang OVP para dipensahan ang kanilang 2025 proposed national budget.

Pagdidiin ni Valeriano, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, sa kaniyang talumpati na hindi kayang suportahan at patunayan ni VP Sara Duterte kung papaano ginastos ng OVP ang mga pondong nakalaan para sa kaniyang socio-economic program kung saan hindi aniya maiiwasan na pagdudahan siya na nilustay lamang nito ang naturang budget para dito.

Lalo pang lumakas ang kaniyang pagdududa, sabi pa ng kongresista ng matuklasan nito na puro sa Metro Manila nakatuon o nakatutok ang mga pinagkagastusan ng pondo ng OVP gayong si VP Sara aniya ay pangalawang mataas na opisyal ng buong Pilipinas.

“Ang nakapagtataka sa kaniyang budget ng 2023, 2024 at 2025 ay bakit sa National Capitol Region lang nakalaan ang mga ayuda programs niya. Bilang chairman ng House Committee on Metro Manila Development. Nagtataka lang ako kung saan dito sa Metro Manila napunta ang bilyong pondo ng Socio Economic programs ng kaniyang opisina,” sabi ni Valeriano sa kaniyang privilege speech.

Inilahad pa ni Valeriano na nakapaloob sa 2025 proposed budget ng OVP na mayroon itong 977.615 beneficiaries. Subalit kaduda-duda umano sapagkat hindi nito mawari kung totoo ba talaga ang kanilang mga benepisyaryo o gawa-gawa lamang ito ng OVP.

“Sa kanilang 2025 budget proposal, mayroon silang 977.615 beneficiaries, nasaan na ang mga ito? Totoo ba ang lahat ng mga ito? Ito ba ay na-verify? Nasaan ang listahan ng strategic partnerships at mga strategic partnership agreements? At kapag walang totoong listahan ng mga beneficiariea at dokumento ng strategic partnership. Hindi malayong maghinala ang taumbayan na nawawala ang pondo ng bayan,” dagdag pa ng mambabatas.