Calendar
Pagpasa ng Senate Bill 2699 o Konektadong Pinoy Act isinusulong ni Sen. Loren
ISINUSULONG ni Sen. Loren Legarda ang pagpasa ng Senate Bill No. 2699 o ang panukalang Konektadong Pinoy Act.
“Connectivity is no longer a luxury but a necessity. In order to push for holistic national growth, it is vital to invest in the further development of data transmission services, narrowing the digital divide in the country,” ayon kay Legarda.
Kapag naisabatas, magbibigay ito ng mas accessible na internet connection sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng patas na kumpetisyon at pagtanggal ng mga hadlang sa pagpasok sa data transmission sector.
Layunin din ng batas na pababain ang gastos at palawakin ang access sa mataas na kalidad na internet services para sa lahat ng Pilipino.
Si Legarda ang pangunahing may-akda ng Republic Act No. 10844 na nagtatag ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
“Recognizing the importance of digital transformation, this initiative marks a significant step in equipping our communities and bridging the existing digital gap,” dagdag pa niya.
“It is imperative that we prioritize digital inclusivity at this present time, acknowledging the importance of innovations in national development.”
Napag alaman na ang lahat ng 18 bayan sa Antique, ang probinsya ni Legarda, konektado na sa internet sa pamamagitan ng pag-install ng Starlink satellites.