Suspek Itinuturo ng mga security guard ang suspek na nanalisi ng wallet sa loob ng ospital sa Manila.

Namitas ng wallet ng pasyente huli

Jon-jon Reyes Sep 8, 2024
43 Views

NAHULI ng mga security guard ang isang lalaki na ninenok ang wallet ng isang pasyente sa pharmacy area sa Jose Reyes Memorial Medical Center noong Sabado sa Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa report, dakong alas-10:30 ng umaga nang i-turn over sa tanggapan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander ng Sta. Cruz Police Station 3 ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si alyas Carlo Jr.

Dakong alas-7:10 ng umaga nang humingi ng tulong ang isang security guard ng ospital makaraang kunin ng suspek ang brown na wallet brown ng biktima na naglalaman ng P1,000.

Inaresto ang suspek at saka ipinagbigay-alam sa nagrespondeng si Patrolman Juan Bino ll na nakatalaga sa Alvarez Police Community Precinct.

Nahaharap sa kasong theft ang suspek.