Just In

Calendar

June 2025
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Kelot

Kelot pinaulanan ng bala ng RIT sa Rizal, dedo

228 Views

DEDO kamakalawa ang isang lalake matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang salarin sa kahabaan ng kalye sa Riverside, Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ay kinilala na si Jay Ilano.

Ayon sa Rodriguez police naganap ang pamamaril alas-4:10 ng hapon.

Sa paunang pagsisiyasat napag-alamang minamaneho ni Ilano ang kanyang tricycle at tumatakbo sa nabanggit na lugar ng insidente nang biglang sumulpot ang mga suspek at pinaputukan ng ilang beses gamit ang isang hindi pa mabatid na kalibre ng baril na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek na kinilalang sina alyas Blackmask at isang John Doe patungo sa E. Rodriguez Highway, Brgy. San Jose.