2 BPSU grad Top 5, 9 sa pumasa sa NLE

Christian Supnad Sep 21, 2026
101 Views

DALAWANG graduate ng Bataan Peninsula State University (BPSU) ang kasama sa Top 10 ng mga pumasa sa Nursing Licensure Examination.

Si Kim Cherie Remorin Garcia ng Limay, Bataan na may 90.60% na grado ay Top 9, habang si Marc Adriel Pedregosa Danan na may rating na 91.40% ay Top 5.

Ang state-run Bataan Peninsula State University ( BPSU) ay may 217 bagong nurses matapos pumasa sa August and September 2026 Nurses Licensure Examination.

Taas-noong ibinalita ni Dr. Ruby B. Santos-Matibag, BPSU president, na sa kabuoang 241 lincensure examination, 217 sa kanila ang pumasa, at dalawa sa kanila ang Top 5 at Top 9.

“In overall, 90.04% have passed, way above the National Passing Rate is 76.69%,” ani Dr. Matibag.

Ang BPSU ay kilala sa boung bansa na nagta-top sa licensure examinations sa medical at engineering courses na ini attribute ito ng mga observers sa strong and competent leadership ni Dr. Santos-Matibag.

Inihayag kamakailan ng Professional Regulation Commission (PRC) na kabuuang 28,652 sa 37,359 ang pumasa sa Nurse Licensure Exam (NLE) (76.69%) .

Ang mga members of the Board of Nursing na nagbigay ng licensure examination ay sina Leah Primitiva S. Paquiz, Chairperson;Elsie A. Tee, Zenaida C. Gagno, Mary Grace C. Lacanaria, Mila Delia M. Llanes, Merle L. Salvani at Josefina A. Tuazon, Members.