Calendar
2 personalidad napipisil ni PBBM na kapalit ni Abalos
DALAWANG personalidad ang napipisil ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na papalit kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
Pahayag ito ni Pangulong Marcos sa gitna ng pagkandidato ni Abalos sa pagka-senador sa 2025 midterm elections sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ng administrasyon.
Sa ambush interview kay Pangulong Marcos inagurasyon StB Giga Factory, Filinvest Innovation Park, New Clark City Phase 1, Clark Special Economic Zone sa Capas, Tarlac sinabi nito na may hawak na siyang dalawang pangalan.
“Kakaunti lang. Now there are two,” tugon ni Pangulong Marcos kung ilan ang nasa shortlist.
Gayunman, tumanggi si Pangulong Marcos na pangalanan ang dalawa.
Mas makabubuti aniyang hayaan na muna si Abalos na makapag trabaho.
Mas maigi rin aniya na hintayin ang paghahain ng certificate of candidacy ni Abalos para hindi maramdaman na itinutulak na palabas ng gabinete.
“It’s still premature. Wait, wait. Pabayaan muna natin si Secretary Abalos na [magtrabaho muna?]. I don’t want him to feel that we’re already pushing him out, considering, especially, that he has done such a good job as DILG,” pahayag ni Pangulong Marcos.
“So when he will file, we will also announce his replacement,” dagdag ni Pangulong Marcos.