VM Cabral Muling naghain ng certificate of candidacy si incumbent Vice Mayor Pia Cabral ng Taytay, Rizal. Ayon sa bise alkalde, muling magpapatuloy ang pagsisilbi niya sa mamamayan ng Taytay.

VM Cabral nangakong itutuloy nasimulan sa Taytay

Jon-jon Reyes Oct 13, 2024
36 Views

NANGAKO na patuloy na magsisilbi sa mga mamamayan ng Taytay, Rizal si Vice Mayor Pia Cabral nang maghain ng certificate of candidacy (COC) sa ilalim ng Partidong Lakas.

Layunin ni Cabral na maipagpatuloy ang kanyang nasimulan na pamunuan ang konseho ng Taytay upang makagawa ng mga makabuluhang batas.

Sa kanyang unang termino bilang bise alkalde, hindi nakitaan ng anumang reklamo, negatibong isyu o usapin si Cabral.

Hindi kayang tawaran ang istilo at sistema ng pagiging lingkod bayan ni Cabral na walang katulad.

Patunay dito ang pagsuporta sa kanya ng mga kaibigan at kakilala partikular na si Gerald Dequina.

Ayon kay Dequina, suportado niya si Cabral dahil sa angking husay at galing nito sa paglilingkod sa bayan.

Naniniwala din si Dequina na mapalad ang mga mamamayan ng Taytay kay Cabral.

Nanawagan si Dequina sa lahat ng mga mamamayan ng Taytay na huwag na silang magdalawang-isip pa na muling iboto si Cabra