Pic Nakipagselfie si Cong. Kokoy Salvador kasama si Viring, maybahay ng mambabatas. Litrato ni: STEVE A. GOSUICO.

Xmas capital ng Ecija muling pinaningning ng Pailaw sa Pasko 2026

Steve A. Gosuico Nov 8, 2026
62 Views
Pic1
PAILAW SA PASKO 2026 litrato ni: STEVE A. GOSUICO.
Pic2
HIGANTENG CHRISTMAS TREE. MULA SA FB NI ALI SALVADOR
Pic3
MULA SA FB NI: ALI SALVADOR
Pic4
MULA SA FB NI: ALI SALVADOR

SAN JOSE CITY – Muling nagningning ang lungsod na ito na tinaguriang “Christmas Capital ng Nueva Ecija” sa pagbubukas ng Pailaw sa Pasko 2026 nitong Sabado ng gabi dito.

Isa na itong tradisyon na taon-taon ay ipinagdiriwang ng pamilya ni Congressman Mario “Kokoy” Salvador sa lungsod na ito kahit nuong wala pa siya sa serbisyo publiko.

Nanguna sa pagdiriwang sina Cong. Salvador at kanyang misis, Viring Salvador, at panganay na anak, dating bise-alkalde- Alexis “Ali” Salvador sa seremonyal na pagbabasbas ng Belen at ang countdown para sa Pailaw sa Pasko 2026.

Libo-libo ang dumalo kabilang ang mga taga-lalawigan ng Pangasinan sa seremonyas na idinaos sa higit isang ektaryang-luwang na lote ng Congressional District 2 Office Sabado ng gabi sa Bgy. Tulat dito.

Ayon kay Cong. Salvador, “Aabot sa 20,000 hanggang 30,000 katao tuwing gabi ang tinatayang bumibisita sa Pailaw sa Pasko dito sa kanyang opisina simula nung itinayo ito.”

“Libre at walang bayad ang entrance dito at welcome ang lahat na lumibot, makipag-saya at magtanggal ng stress kahit sino, taga-Nueva Ecija ka man o taga ibang probinsiya, open ito pag-start ng dilim hanggang alas onse ng gabi,” dagdag ni Salvador.

May itinayong sari-saring food at beverage stalls, merchandise at souvenir stores sa loob ng compound na libreng ispasyo na pinapagamit para sa mga kababayang manininda upang kumita nitong Kapaskuhan.

Highlights ng selebrasyon ay ang ceremonial switching-on ng Pailaw 2026 kasabay ng bonggang fireworks display sa himpapawid na tumagal ng higit limang minuto.