Frasco

Rep. Frasco nag-ala Santa Claus para sa limang birthday celebrant na nakatanggap ng P20K bawat isa

Mar Rodriguez Oct 16, 2024
13 Views

Frasco1Frasco2Frasco3Frasco4BAGAMA’T mayroon pang 69 na araw bago sumapit ang Kapaskuhan, ipinaramdam na ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Rep. Vincent Franco “Duke” D. Frasco ang diwa ng Pasko matapos itong mag-a la Santa Claus para sa limang mapalad na “birthday celebrant” dahil sa pamamahagi nito ng P20,000 bawat isa sa kanila bilang birthday gift nito.

Nabatid ng People’s Taliba sa House Deputy Speaker na namahagi ito ng tig-P20,000 para unang limang katao na kasalukuyang nagdiwang ng kanilang kaarawan noong Oktubre 14. Umabot sa P100,000 ang kabuuang halaga ng ipinamahagi nilang regalo.

Ayon kay Frasco, ang limang masuwerteng katao na napili nila ay sina Riel Ashe Prieto, Chriesty Alfajora, Reymund Casas, Jorlan Miao at John Philip Maglangit na tumanggap ng P20,000 bilang birthday gift ng mga ito.

Sabi din ni Frasco na bukod sa limang birthday celebrants na napili nila, mayroon pa aniyang 36 na nagdiriwang din ng kanilang kaarawan ang nakatanggap ng P2,000 na regalo kasama na dito ang karagdagang 31 birthday celebrants na tumanggap din ng P2,000 mula sa kongresista.

“Kasiyahan natin ang makatulong sa ating mga kababayan. Gusto natin na maging maligaya ang kanilang kaarawan kaya minabuti natin na bigyan sila ng regalo sa kanilang espesyal na araw,” pahayag ni Frasco.