Lapid Si Senator Lito Lapid kasama si Sorsogon Governor Edwin Boboy Hamor sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Barangay Balogo, Sorsogon City, Oktubre 17. FB post

Lapid inalagaan, pinalaki ng Bikolano

14 Views

ALAM nyo na ba?

Si Senador Lito Lapid ay inalagaan at pinalaki ng isang Bikolano na kanyang step dad.

Sa kanyang mensahe sa AKAP payout sa Iriga City nitong Oct. 16, kinilala ni Sen. Lapid ang kanyang step dad na si Alberto Vargas na tindero ng balut at pandesal noon.

Nagkakilala umano ang kanyang nanay at step dad sa isang bakery sa Pampanga.

Siya umano ang nakilala nyang ama makaraang mamatay ang tunay nyang tatay na si Jose Lapid nang sya ay dalawang taon gulang pa lang.

Itinuring daw silang tunay na mga anak ni tatay Alberto kaya hindi nya makalilimutan ang pag-aaruga at pagmamahal sa kanila.

Si Lapid ay kinilalang “adopted son” ng Iriga City matapos magpasa ng isang resolusyon na kumikilala sa mga naiambag at naibigay na tulong ng Senador sa mga Irigueño.

Todo pasalamat naman si Senador Lapid kay Mayor Rex Oliva at City Council sa kanilang inisyatiba at pag-adopt sa kanya bilang anak ng Iriga.