Missing

Mag-ina isang linggo nang nawawala sa Antipolo

12 Views

HINAHANAP ng mga kamag-anak at otoridad ang mag-inang nai-report na nawawala isang Linggo na ang nakaliipas mula ng umalis ng bahay sa Antipolo City, Rizal.

Bandang alas-9:10 ng gabi noong Oktubre 14 nagtungo ang kamag-anak ng dalawa sa Antipolo Component City Police Station para i-report na nawawala ang kanyang anak na babae at apo mula pa noong Oktubre 1, 2024.

Sinabi sa report na si Jaimie Ventura Jiongco kasama ang kanyang anak na si Jedther Kyle umalis sa kanilang bahay para dumalo sa isang kaarawan sa isang lugar.

Sumakay sila sa orange na Toyota Vio na may plakang DAN 8917 at pag-aari ng kanyang anak dala ang kanyang BDO ATM card at bank passbook.

Hanggang ngayon hindi pa rin nakakausap o nakikita ng mga kamag-anak ang mag-ina na nag-udyok para ireport sa mga otoridad.

Ayon sa report, may history si Jaimie ng depresyon at pagkabalisa. Umaasa ang pamilya na sana bumalik ang mga biktima at ipanalangin na walang nangyaring masama sa mag-ina.