Buy Bust Ang 5 suspek na umano’y tulak na natimbog sa P100,000 halaga ng shabu sa buy-bust sa Nueva Ecija. Kuha ni Steve Gosuico

5 nakorner sa buy-bust; P104K shabu nakumpiska

Steve A. Gosuico Oct 19, 2024
11 Views

CABANATUAN CITY — Limang pinaghihinalaang tulak ng droga ang nasakote ng otoridad sa syudad na ito sa buy-bust na nagresulta din sa pagkakasamsam ng P104,496 na halaga ng shabu noong Sabado at Biyernes.

Iniulat ni Cabanatuan police chief Lt. Col. Renato C. Morales na tatlong lalaki ang natimbog nila sa buy-bust sa Brgy. Caalibangbangan noong Sabado.

Nagresulta ang operasyon sa pagsamsam ng 15 gramo na nagkakahalaga ng P102,000.

Ayon kay Nueva Ecija police commander Col. Ferdinand Germino, dalawa pang hiwalay na buy-busts ang isinagawa sa Palayan City at Gabaldon at dalawang suspek na tulak ang natimbog na may dalang P2,496 halaga ng droga.

Kaukulang kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 ang nakatakdang isampa laban sa mga naarestong suspek, ayon sa pulis.

“Ang NEPPO nanatiling tapat sa kanyang misyon na panatilihin ang peace and order sa lalawigan sa pamamagitan ng maigting na kampanya sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad,” sabi ni Germino