Gas

Presyo ng gas, petrolyo bababa

Edd Reyes Oct 21, 2024
113 Views

TATAPYASAN ng 70 sentimos kada litro ang diesel, 50 sentimos sa gasolina premium at 85 sentimos sa kerosene simula alas-6:00 ngayong Martes, ayon sa mga kompanya ng langis.

Sa magkakahiwalay na abiso ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Chevron Philippines, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil Philippines, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Eastern Petroleum at Jetti Petroleum, inansuyo ng mga oil firms ang katiting na bawas presyo kumpara sa itinaas noong nakaraang Martes.

Gaya ng nagpa-usapan, alas-12:01 ng madaling araw magsisimula ang price decrease ng Clean Fuel.