Martin Ideneklara ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paninindigan ng Plilipinas na protektahan ang karapatan nito sa West Philippine Sea sa kanyang mensahe Linggo sa ribbon-cutting para sa exhibit ng Philippine Veterans Bank sa Leyte Convention Center na tinawag na “War of our Fathers-A Brotherhood of Heroes.” Kuha ni VER NOVENO

Speaker Romualdez tiniyak na PH patuloy na igigiit sovereign rights sa WPS

50 Views

TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa West Philippine Sea (WPS).

Ginawa ni Speaker Romualdez ang pagtitiyak sa isinagawang ribbon-cutting rites para sa “War of Our Fathers-A Brotherhood of Heroes,” isang exhibit ng Philippine Veterans Bank na inialay sa mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Linggo na may kaugnayan sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Leyte Landings na ginanap sa sa Leyte Convention Complex sa Palo, Leyte.

Ayon sa lider ng Kamara ang giyera na nilabanan ng mga Pilipino may 80 taon na ang nakakaraan ay iba sa laban na kinakaharap ng mga Pilipino ngayon.

“Today, we face a new battlefield. Our enemy is no longer a foreign invader but the threats to our territorial integrity, the undermining of international laws, and the growing tensions in the West Philippine Sea,” ani Speaker Romualdez.

“Just as our forefathers fought side by side with allies in the past, today, we strengthen our alliances with like-minded nations to defend the principles of freedom and democracy. This is a new war – a war for peace, stability, and the preservation of our way of life. We are committed to protecting our sovereign rights, ensuring that the future generations will live in a free and secure Philippines,”

Ayon kay Speaker Romualdez ipinagmamalaki nito na manindigan kasama ng gobyerno sa pagtaguyod ng rules-based international order partikular sa maritime domain ng bansa.

“We continue to advocate for the peaceful resolution of disputes, guided by the principles enshrined in the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). We honor the legacy of our veterans by ensuring that our nation’s sovereignty is respected, especially in the West Philippine Sea,”saad pa ni Speaker Romualdez.

Iginiit ng lider ng Kamara na ang pagdepensa ng karapatang soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa ay isang paglaban sa kinabukasan ng mga Pilipino.

“Ang laban na ito ay hindi lang tungkol sa teritoryo. Ito ay laban din para sa ating karapatan, para sa kapayapaan, at para sa kinabukasan ng bawat Pilipino. Ipinaglalaban natin ang mga prinsipyong itinaguyod ng ating mga bayani—karapatan, kalayaan, at katarungan,” wika pa nito.

Nanawagan si Speaker Romualdez sa mga Pilipino na humugot ng tapang sa mga Pilipino na nakipaglaban noong digmaan.

“The legacy they left behind is not one of violence, but of enduring peace through unity and determination. Just as they were victorious in the face of adversity, we too can overcome the challenges we face today—whether they are threats to our sovereignty or the persistent challenges of poverty and inequality,” sabi pa niya.

Sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Leyte Landing, sinabi ni Speaker Romualdez na ang okasyon ay hindi lamang isang paggunita sa kasaysayan kundi isang panindigan sa prinsipyo ng kapayapaan, kalayaan, at soberanya.

“These values, which were so valiantly defended by our forefathers, remain crucial as we confront new challenges in a rapidly changing world,” sabi pa ng lider ng Kamara.

“Ang magbalik-tanaw sa nakaraan ay isang napakahalagang gawain. Sa pamamagitan ng ganitong mga espesyal na okasyon, binibigyan natin ng halaga at pagkilala ang mga sakripisyo ng mga bayani ng ating bansa. Higit pa rito, ito ay isang paalala na ang kanilang laban para sa kalayaan ay patuloy na ating isinusulong,” giit pa nito.

Ayon kay Speaker Romualdez, ang Leyte Landings ay isang paggunita sa yugto na nagpabago sa kasaysayan ng bansa patungo sa pagkakaroon nito ng kalayaan.

“On this day, 80 years ago, Filipino and Allied forces joined hands in a historic display of courage and unity that set the stage for the liberation of our country. It was a struggle for freedom from foreign domination, and through their sacrifices, we regained our independence and dignity,” wika pa ni Speaker Romualdez.

Ang paggunita sa Leyte Landing ay dinaluhan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro. Jr., Japanese Ambassador Endo Kazuya, Australian Ambassador HK Yu, US Major Gen. Matthew McFarlane, Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Gov. Carlos Jericho Petilla, mga beneteranong Pilipino, at mga opisyal ng Philippine Veterans Bank sa pangunguna ni Renato Claravall.

Nagpasalamat ang lider ng Kamara sa mga beteranong Pilipino at mga opisyal ng Philippine Veterans Bank sa pag-organisa ng selebrasyon.

“Maraming salamat sa pamunuan at mga kawani ng Veterans Bank of the Philippines sa pagsasaayos ng okasyon na ito. Maraming salamat din sa lahat ng inyong mga hakbangin upang mabigyang parangal ang kabayanihan ng ating mga magigiting na ninuno, para maging inspirasyon ng kasalukuyang henerasyon,” saad pa nito.