SPPF nasamsam mga armas, mobile phone

Hector Lawas Apr 1, 2022
209 Views

NAKUHA ng mga opisyal ng bilangguan sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Oriental Mindoro ang mga improvised na armas, mobile phone, sigarilyo, at iba pang kontrabando sa “Oplan Galugad”.

May kabuuang 37 correction officers ang nanguna sa operasyon sa Building 1A at Building 2 ng pasilidad na naka-standby ang puwersa ng pulisya, Huwebes ng hapon.

Ang mga nasamsam na bagay ay itinurn-over sa Property Custodian para sa pag-iingat at tamang disposisyon.

Ang mga person deprived of liberty (PDL) na lumabag sa Prison Rules and Regulations ay mahaharap sa mga kasong administratibo na isasampa sa Lupon ng Disiplina.

Bukod sa SPPF, ang iba pang pasilidad ng bilangguan ng Bureau of Corrections (BuCor) ay ang Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, New Bilibid Prison sa Muntinlupa, at ang Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City;

Gayundin, ang Davao Prison at Penal Farm sa Davao del Norte, San Ramon Prison at Penal Farm sa Zamboanga City, at ang Leyte Regional Prison sa Southern Leyte.

Ang BuCor ay isang attached agency ng Department of Justice (DOJ). Sa ilalim ng batas, may administrative supervision ang DOJ sa BuCor. Kasama si Joanne Rosario, OJT.