Speaker Ferdinand Martin Romualdez Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Sipag, dedikasyong makapaglingkod dahilan ng mataas na ratings ni Speaker Romualdez – Young Guns ng Kamara

Mar Rodriguez Nov 2, 2024
40 Views

PARA sa Young Guns ng Kamara de Representantes, hindi na nakakagulat ang mataas na rating ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pinakahuling survey ng OCTA Research dahil sa ipinakita nitong sipag at dedikasyon na makapaglingkod sa mga Pilipino.

Sinabi nina House Assistant Majority Leaders Amparo Maria “Pammy” Zamora ng Taguig City, Paolo Ortega ng La Union at Jay Khonghun ng Zambales na ang mataas na performance at trust rating ni Speaker Romualdez ay resulta ng kanyang kasipagan, dedikasyon at mahusay na pamumuno.

Sinabi ni Zamora na ang dedikasyon ni Speaker Romualdez sa kanyang tungkulin at masipag na pagtatrabaho ay naging susi sa magandang performance ng Kamara de Representantes at pagtaas ng tiwala ng mga Pilipino sa kanya.

“Speaker Romualdez is a true workaholic who never stops striving to improve the legislative process,” saad ni Zamora.

“Sa dami ng trabaho sa Kongreso, siya ang nangunguna at tila walang kapaguran. The Speaker’s dedication inspires us all to work harder and deliver more for our constituents,” ayon kay Zamora.

Sinang-ayunan ni Ortega ang sinabi ni Zamora, at binanggit na kitang-kita ang masipag na work ethic ni Speaker Romualdez sa kanyang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas at mamamayan.

“He’s very hardworking. Alam niya ang kailangan ng bawat distrito, kaya naman mataas ang tiwala ng tao sa kanya. People trust him because they see how much he invests in understanding and addressing their needs,” ayon kay Ortega.

Ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research, nakakuha si Speaker Romualdez ng 61 porsyentong overall trust rating at 62 porsyentong performance rating.

Dagdag naman ni Khonghun, ang mga rating na ito ay nagpapakita ng tagumpay ng pinuno ng Kamara sa pagbuo ng isang epektibong proseso ng lehislasyon at sa pagbibigay ng kapangyarihan sa kanyang mga kasamahan.

“We are led by someone who values hard work and leads by example. At ngayon, nakikita natin na ang disiplina at sipag ng ating Speaker ay nagbubunga ng pagtitiwala ng ating mga kababayan. The people see this, and that’s why they trust him,” ayon kay Khonghun.

Isinalarawan pa ni Zamora kung paano ang walang pagod na dedikasyon ni Romualdez ay nagbunga ng isang produktibong Kapulungan.

“The trust that people have in him reflects their belief in a functional and results-driven House of Representatives,” ani Zamora.

Ayon kay Ortega, ang masiglang pamamaraan ng Speaker ay nakapagpataas ng moral ng mga mambabatas at nagtutulak ng makabuluhang progreso sa lehislasyon.

“Our productivity in the House is proof of his competent leadership. Speaker Romualdez has established an effective legislative process and selected leaders to ensure its success. Because of this, the people’s trust continues to grow,” paliwanag Ortega.

Pinasalamatan din ni Khonghun si Romualdez dahil sa paglikha ng isang masigasig na kapaligiran ng pagtutulungan sa loob ng Kamara.

“He doesn’t just work hard; he ensures we’re all on the same page to deliver the best results. That’s why people feel confident in our leadership,” giit pa ni Khonghun.