Sec Frasco Ipinaabot ni Department of Tourism (DOT) Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang taos-pusong pasasalamat sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Caraga para sa kanilang masigasig na pakikilahok sa 10th leg ng Philippine Experience Program (PEP).

10th leg ng Philippine Experience Program ipinakita ganda ng Caraga

Jon-jon Reyes Nov 3, 2024
19 Views

NAGTAPOS ang 10th leg ng Philippine Experience Program (PEP) sa Prosperidad Miyerkules na puno ng optimismo para sa mga oportunidad sa turismo sa tagong kagandahan ng Caraga.

Pinasalamatan ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang lahat ng kasama sa event, mula sa mga opisyal ng gobyerno at kinatawan ng lokal na pamahalaan.

Ipinaliwanag ng kalihim ng turismo ang kapangyarihan ng turismo na nagbibigay ng kredito sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Caraga at tiniyak sa kanila na ang DOT kasama nila sa kanilang mga adhikain.

Binubuo ang Caraga ng Surigao City, Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte at Del Sur.

Matatag sa paniniwala na sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga local government units na umunlad sa usapin ng turismo, ang mundo mai-in-love sa Pilipinas, ayon kay Frasco.

“Ang potensyal ng turismo ng Caraga patuloy na lalawak at ito ay simula pa lamang,” sabi niya.

Sina Agusan del Sur Governor Santiago B. Cane Jr. at Agusan del Sur 1st District Representative Alfelito Bascug malugod na tinanggap ang mga delegado ng PEP.

Ginanap sa DO Plaza Government Complex ang final event ng PEP.

Ang sentro nagho-host ng iba’t-ibang kultural na pagtatanghal, eksibit at mga aktibidad na nagtatampok sa mga kaugalian at tradisyon ng lokal na Manobo at iba pang mga katutubong grupo sa rehiyon.

Focal point ito para sa mga pagtitipon ng komunidad, mga seremonya at mga pampublikong kaganapan, na sumisimbolo sa pagmamalaki at pagkakaisa ng magkakaibang komunidad ng Agusan del Sur.

Ang mga pagtatanghal sa kultura at pati na rin ang isang fashion show na nagtatampok ng mga disenyo ng Suyam at ang tradisyonal na istilo ng pagbuburda ng tribong Manobo nagpasaya sa mga bisita.