Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Suspek Ang arestadong suspek. JONJON C. REYES

Kasama sa top most wanted huli

Jon-jon Reyes Nov 6, 2024
524 Views

SWAK sa selda ang isang 52-anyos na lalaki makaraang silbihan ng warrant of arrest ng mga operatiba ng Manila Police District-Delpan Police Station 12, sa panulukan ng Primero de Mayo at Solis St.,Tondo, Manila, Miyerkules ng umaga

Nakilala ang suspek bilang Samuel, residente ng naturang lugar

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Ferdinand Omli na isinumite kay Police Lieutenant Colonel Chey Chey Saulog, hepe ng MPD Delpan Police Station12, bandang 11:25 a.m. nang damputin ang suspek sa harap ng kanyang bahay.

Napag-alaman din ng pulisya na ang akusado ay kabilang sa talaan ng top 7 most wanted person.

Bitbit ng mga operatiba ang arrest warrant laban sa suspek na inisyu ni Judge Aileen Saquing- Agacita, ng Branch 213 ng Mandaluyong Regional Trial Court.

Nagrekomenda ang korte ng piyansang P120,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.