Laguna

PRO-4A: Mga kriminal walang puwang sa Calabarzon

20 Views

Halloween3Batangas2

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City, Laguna — Walang patawad ang Police Regional Office (PRO) 4A sa mga kriminal matapos nilang paigtingin ang mga huli at salakay sa buong CALABARZON

Sa pamumuno ni Regional Director PBGen Dominic L. Baccay at alinsunod sa Focused Agenda ng Hepe ng PNP, diretso sa selda ang mga Most Wanted Person (MWP) sa rehiyon.

Hindi rin nakaligtas ang mga sangkot sa ilegal na droga, ilegal na sugal, at mga baril na walang papel.

Ang matagumpay na buwanang accomplishment ng PRO 4A ay bahagi ng kanilang programang B.E.S.T. – Service for a Better Community: Be Engage Immediately, Serve Together at ang Transform Trust.

Bukod sa mga malalaking huli, tuloy-tuloy rin ang pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa para sa seguridad, kaligtasan, at kaayusan ng mamamayan sa buong rehiyon.

Sigaw ng PRO 4A: “Walang puwang ang kriminalidad sa CALABARZON!”