Calendar
Si Dra. Jovita Agliam sa kanyang presentasyon sa VMLP-NE meeting sa Guimba, Nueva Ecija noong Miyerkules Octobre 28, 2026. MGA LARAWAN NI: STEVE A. GOSUICO
N ECIJA SUSUNOD NA TATAWAGING “KALABASA CAPITAL NG PINAS ?

GUIMBA, Nueva Ecija – Napipintong tawagin ang Nueva Ecija bilang “Kalabasa Capital ng Pilipinas” dahil sa tumataas na produksyon umano ng tinaguriang “singit crop” na ito, ayon kay Nueva Ecija provincial agriculturist Dr. Jovita B. Agliam.
May breaking news din ang nasabing opisyal na isang Vice Mayor sa lalawigan ito na binansagang “Rice Granary of the Philippines” ang “yumayaman” umano dahil sa pagtatanim ng kalabasa.
Pahapyaw itong binanggit ito ni Dr. Agliam nang maging resource person siya sa ginanap na 10th regular monthly meeting ng VMLP-NE na pinamumunuan ng chapter president na si San Antonio Vice Mayor Arvin C Salonga sa Guimba, Nueva Ecija nitong Oktubre 28,2026.
Ayon kay Dr. Agliam: “Ang isang malaking kalabasa na tumitimbang ng limang kilo sa P30 isang kilo ay nagkakahalaga ng P150 isang piraso sa merkado. Eh kung umani ka ng 20 metric tons hanggang 30 metric tons o katumbas ng 30,000 kilo eh di ibig sabihin may kita na sa halagang P4.5 milyon.”
“Imaginin nyo po malapit na tayong maging Kalabasa Capital of the Philippines dahil may 21 municipalities na kabilang ang Talavera sa out of 32 towns and cities ang nagtatanim ng kalabasa, at hindi naman sila magtatanim kung hindi sila kumikita, tama po ba?,” dagdag ni Dr. Agliam.
Tinawag din ng opisyal na “singit crop” ang kalabasa dahil aniya kapag umani ng palay ng Setyembre, mga 80 to 90 days lang kasi may ani ka na ng kalabasa, kaya bago sila makapagtanim ng dry season sa palay nagamit na ng another crop iyun fallow period na iyon.
Sa Cuyapo, matatandaan nuong Enero 2025, pinasinayaan ang Orient Agriculture Cooperative bilang Enhanced Squash Processing sa Bgy. Baloy sa ilalim ng administrasyon ni dating Mayor at ngayon ay Vice Mayor Flor P. Esteban.
Dagdag ni Dr. Agliam, may naka-planong itayo sa susunod na taon na isang “first-LGU-funded” na Nueva Ecija Provincial Food Processing Center kung saan kalabasa umano ang isa sa mga primary commodities para iproseso.

