Lacson

Dapat na kakayahan ng epektibong lider inilahad

263 Views

ISA sa susi para masugpo ang katiwalian ay ang pagkakaroon ng tapat na lider na kayang maimpluwensyahan ang kanyang mga tauhan at iba pang kawani sa pamahalaan.

Ito ang panuntunan ni presidential candidate Panfilo ‘Ping’ Lacson sa paglaban niya sa korapsyon na nakaangkla sa kanyang prinsipyo na ‘leadership by example.’ Tangan na niya ito umpisa pa lang ng kanyang paglilingkod sa bayan bilang sundalo, hepe ng Philippine National Police, at senador.

“It’s not enough that a leader is not corrupt. Kailangan, there should be more. Kailangan alam niya ring gawing hindi corrupt ‘yung kanyang mga tauhan, ‘yung kanyang mga kasamahan sa gobyerno,” ani Lacson sa panayam ng ‘Emedia Mo’ online radio station kamakailan.

Naitanong sa ng mga brodkaster na sina Mark Alviar Saavedra and Belsie Agustin kay Lacson sa kanilang programa ang kanyang magiging paraan upang mapaigting ang paglaban sa katiwalian kung siya ang pipiliin ng taumbayan para maupo sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.

Dito, inilatag ng independent candidate ang kanyang pormula para epektibong maalis ang kultura ng korapsyon sa pamahalaan na nagiging dahilan ng paghihirap, lalo na ng mga ordinaryong Pilipino, na sawa na rin sa ganitong sistema.

“‘Yung bottomline—leadership by example. Hindi naman pwede ‘yung mga leader iba ‘yung ginagawa kaysa sa kanilang pini-preach o sinasabi sa kanilang mga subalterns. So, doon kami mangunguna. Kailangan talaga mag-lead by example. There’s no substitute to it. It’s second to none,” aniya.

Bukod dito, sinabi rin ni Lacson na katulad ng ginawa niyang pagdisiplina sa hanay ng kapulisan na naging daan para mawala ang kotong cops sa kalsada at iba pang katiwalian ay palalawigin niya ang pagdisiplina sa mga opisyal at kawani ng gobyerno.

Dagdag pa ni Lacson, “Kailangan talaga sustained, hindi pwedeng ningas-cogon. Hindi pwedeng lip service. Kailangan talaga gawin, i-implement. So, mayroon kaming mga nakalatag nang mga programa rito, kung ano ‘yung ipapatupad namin.”

Ayon kay Lacson, ilan sa mga ipatutupad nila ng kanyang running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa kanilang magiging unang 100 araw kung maihahalal sila bilang presidente at bise presidente, ay ang malawakang paglilinis sa mga ahensya ng pamahalaan at pagpapakulong sa mga tiwali na nahuli sa akto.

“As much as possible, we’ll get them or catch them in flagrante delicto, ano, on-the-spot. Nang sa ganoon wala nang maraming problema pa sa presentationng ebidensya. And we know how to deal with it because ginawa ko na rin ‘yan doon sa PNP,” sabi ni Lacson.

“I would like to believe, and I’m confident, that this was really felt by our motorists, ‘yung mangangalakal natin, mga traders, at saka mga common commuters,” aniya pa.