MPD Idinidiin ni MPD Director PBGen. Arnold Thomas Ibay sa mga pulis na tiyakin ang kapayapaan sa iba’t-ibang lugar sa pagdiriwang ng Human Rights Day noong Martes. Kuha ni JONJON C. REYES

Seguridad sa Manila pinaigting ng MPD cops sa pagmarka ng Int’l HR Day

Jon-jon Reyes Dec 12, 2024
28 Views

PINAIGTING ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang seguridad sa ilang lugar sa pagdiriwang ng Human Rights Day noong Martes.

Nagtapos ang kaganapan ng payapa at humigit-kumulang 1,000 pulis ang ipinakalat ng MPD.

Ipinakalat ang mga pulis sa Mendiola, embahada ng Estados Unidos at Liwasang Bonifacio upang mapanatili ang kaligtasan at seguridad ng publiko.

Mahigit 1,300 protesters ang hinarap ng mga pulis na nagpahayag ng mga inahing tungkol sa extrajudicial killings at mga paglabag sa karapatang pantao.

“Kami mananatiling nakatuon sa aming mandato ng paglilingkod at pagprotekta sa publiko,” sabi ni MPD chief Police Brig. General Arnold Thomas Ibay.