Batangas

Mandanas namahagi ng P2.7M agri gamit sa magsasaka sa Batangas

15 Views

MAHIGIT P2.7 milyong halaga ng seeds, fertilizers, pesticides at iba pang gamit sa agrikultura para sa 1,000 magsasakang benepisyaryo ang naipamahagi noong Disyembre 13 sa Lian, Batangas sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas.

Naipaabot ang ayuda sa pangangasiwa ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) at Office of the Provincial Agriculturist (OPAg).

Namahagi rin ng hooks, nylon twines, gamao, tingga, lambat at lawayan para sa 350 mangingisda.

Isang daan at limampung mangingisdang benepisyaryo naman ang tumanggap ng Fish Aggregating Device (FAD) o payao mula sa Department of Energy (DOE).

Layunin ng programang ito na magbigay ng suporta sa mga Batangueñong pamilya na naapektuhan ng bagyong Kristine at mapataas ang produksyon at kita ng mga mangingisda at magsasaka sa lalawigan.

Nakiisa sa pamamahagi sina 1st District Cooperative Chairperson of Batangas Cluster, Nestor Panaligan at 1st District Board Member Jun Jun Rosales.