MMFF

MMFF Parade of the Stars lumarga sa Manila

Edd Reyes Dec 22, 2024
18 Views

MMFF MMFFLUMARGA ang parada ng mga float ng mga pelikulang kasali sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Sabado ng hapon mula sa Manila City Hall.

Nagsimulang mapuno ng tao ang kahabaan ng Taft Avenue sa harap ng Kartilya ng Katipunan alas-3:00 ng hapon at nagtapos sa Manila Central Post Office.

Payapa ang Parade of the Stars bunga ng mga itinalagang tauhan ng Manila Police District (MPD) at mga traffic enforcers ng Maynila.

Nakita sa parada sina Vilma Santos, Judy Ann Santos, Lorna Tolentino, Nadine Lustre, Vic Sotto, Aga Muhlach, Eugene Domingo, Vice Ganda, Arjo Atayde, Julia Montes, Dennis Trillo, Enrique Gil, Carlo Aquino, Julia Barretto, Francine Diaz at Seth Fedelin sakay ng kani-kanilang float.

Sinimulan ang parada ng tradisyunal na pagtunog ng gong na pinangunahan nina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Chair Atty. Don Artes, Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto.

Tiniyak ni Artes na magiging parehas ang distribusyon ng mga opisyal na kalahok sa MMFF sa mga sinehan sa Metro Manila at iba pang lungsod.

Kabilang sa 10 mga kalahok sa MMFF@50 ang The Kingdom, Topakk, Uninvited, Isang Himala, Hold Me Close, Espantaho, My Future You, And The Breadwinner Is…, Green Bones at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital na mapapanood sa mga sinehan mula Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2025