Calendar
DA: Pag-import ng poultry, ibon mula NZ pansamantalang bawal
NAGPATUPAD ang Department of Agriculture ng pansamantalang pagbabawal sa importasyon ng domestic at wild birds mul sa New Zealand kasunod ng ulat nang pagkalat ng avian influenza sa nabanggit na bansa.
Sa inilabas na memorandum order no.01, kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nagpositibo sa ginawang pagsusuri ng New Zealand National Animal Health Laboratory ng H7N6 strain ng high pathogenicity avian influenza ang mga domestic birds mula sa East Otago, Waitaki, at canterbury nitong nakalipas na Nobyembre.
Ang outbreak ay opisyal na inireport ng mga otoridad ng New Zealand sa World Organisation for Animal Health.
Sinabi ni Tiu Laurel na ang ban sa importasyon ng domestic at wild birds gayundin sa mga itlog, day-old na mga sisiw, semilya at poultry meat, ay mahalaga upang mapigilan ang pagpasok sa bansa ng high pathogenic avian influenza sa Pilipinas, at mabantayan ang kalusugan ng lokal na poultry population.
Ang poultry industry kabilang na ang produksiyon ng itlog ay multi-bilyong pisong serktor na sumusuporta sa mahalagang pamumuhunan at maraming hanapbuhay na may malaking papel sa pagtiyak sa seguridad sa pagkain ng bansa.
Bilang bahagi ng ban, iniutos ni Tiu Laurel ang agarang suspension sa pagproseso, evaluation at pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances sa tatlong items na ito mula sa New Zealand. Gayunman, ang mga shipment na nasa nasa biyahe, naisakay o natanggap na sa mga pantalan bago ang opisyal na paglabas ng ban ay papayagang makapasok sa bansa basta masigirong ang mga ito ay kinatay o ginawa bago November 9,2024.
Inatasan ang Quarantine authorities na kumpiskahin ang iba’t ibang polutry commoditied na nakasaan sa Memorandum Order.