Calendar
P61K na shabu, 6 na boga nasamsam sa NE
CABANATUAN CITY–Nagresulta sa pagkakaaresto ng anim na tao at pagsamsam ng anim na baril at iligal na droga na nagkakahalaga ng P61,880 ang limang araw na Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Nueva Ecija police noong Enero 13-17.
Pitong search warrant ang naisilbi sa Gapan, Cabanatuan, Muñoz, Talavera, Bongabon at Lupao na humantong sa pagkakasamsam ng dalawang cal.38 revolver, tatlong cal. 45 pistol, isang 12-gauge shotgun, magazine assemblies, mga bala at drug paraphernalia.
Nakumpiska din ang 2.5 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P17,000 sa Gapan City, 6.4 gramo na nagkakahalaga ng 43,520 sa Cabanatuan City at 0.20 gramo (P1,360) sa Talavera para sa kabuuang timbang na 9.1 gramo at halagang P61,880, ayon kay Nueva Ecija police chief P/Col. Ferdinand Germino.
Ang anim na suspek nakakulong na at nahaharap sa kaso ng paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), COMELEC Resolution No. 11067 (the Rules and Regulations on the Gun Ban para sa 2025 National at Lokal na Halalan) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).