BPPO

5 huling tumataya sa online e-sabong sa Batangas

25 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas City–Nadakma noong Martes ng mga tauhan ng Batangas Police Provincial Office ang limang tumataya sa online e-sabong sa Brgy. Poblacion 1, Sta. Teresita, Batangas.

Isinagawa ang operasyon ng magkasanib na pwersa ng Provincial Special Operations Group (OPD-PSOG), Provincial Intelligence Unit (PIU) at Sta. Teresita police.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Jeffrey, 42; alyas Mark, 40; alyas Jojit, 42; alyas Crisanto, 21; at alyas Lester, 24.

Nakumpiska sa mga naaresto ang PC Panasonic 4k camera, camera stand, cellular phone, adaptor, baterya, mga cord, isang Starlink modem, scratch pin, fighting cock, mga kahon ng Graff, at iba pang nauugnay na item.

Nasa kustodiya na ngayon ng BPPO ang mga suspek at inihahanda ang mga dokumento para sampahan ng mga kaso ng paglabag sa Presidential Decree No. 1602 in relation to Section 6 of RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act).