Calendar
Lahat ng age group sa Abra pabor kay ‘Takit’
UMABOT SA 68% ng botante sa Abra ang pabor kay Eustaquio “Takit” Bersamin, kapatid ni Executive Secretary Lucas Bersamin na maging gobernador ng lalawigan laban kay Bangued Vice Mayor Joaquin Bernos.
Ito ay bayat sa isinagawang survey ng market research at public opinion polling company na Tangere.
Ayon sa survey na isinagawa nitong January 13 hanggang January 15, lumabas na 68 percent ng mga botante sa Abra ay pabor kay Bersamin para mailoklok na provincial governor sa darating na halalan.
Ang kalaban namang si Bernos ay nakakuha lamang ng 25-percent voters na pabor dito habang 7 percent ng mga respondents ay undecided.
Nakakuha ng malaking pagpabor kay Bersamin ang mga botante mula sa malalaking bayan ng Bangued, Bucay, Ta-yum at La Paz.
Naging popular si Bersamin sa mga botante dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa tungkulin noong maging governor.
Lahat naman ng age groups, maging sa mga kabataang botante ay pabor kay Bersamin dulot ng mga positibong rekomendasyon ng kanilang mga magulang at mga kaanak na nakatulong sa kanilang desisyon pabor kay Bersamin.
Pumalo naman sa 99 percent ang awareness rate nakuha ni Bersamin at 92-percent positive approval rating mas mataas sa kalabang si Bernos na nakakuha lamang ng awareness rate na 85 percent at positive approval rating na 65 percent.
Sa posisyong pagka Vice Governor, ang pamangkin ni Eustaquio na si Anna Marie Bersamin ay nakakuha ng 59-percent voter preference kumpara sa kalabang reelectionist Maria Jocelyn Bernos, ina ni Joaquin na nakakuha ng 32 percent.
Ang survey ay face-to-face interviews sa 800 respondents sa Abra na ang 25 percent na respondents ay mula sa Bangued.