Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
Vic Reyes

BOC sumusunod sa utos ni PBBM na magkaroon ng transformative measures

Vic Reyes Feb 2, 2025
21 Views

ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan, lalo na sa mga kababayan natin diyan sa bansang Japan at ibang panig ng daigdig.

Binabati natin sina:

Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Patricia Coronel

Endo Yumi, , Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at ang kakampi ng mga Filipino sa Japan na si Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman ng Oman,

God Bless sa inyong lahat!

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa #+63 9178624484)

***

Mananatiling “resilient, inclusive and forward-looking” ang Bureau of Customs (BOC), isang dating graft-prone government agency.

Ito ang mariing ipinahayag ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio noong Enero 27 (Lunes), “International Customs Day.”

Ang tema ng okasyon, as set ng World Customs Organization (WCO), ay “customs delivering on its commitment to efficiency, security and prosperity.”

Noong nakaraang taon ay higit na pinalakas ng BOC ang role nito bilang trade regulator, “advancing efficient customs administration.”

Sinabi ni Commissioner Rubio na ito ay alinsunod sa vision ni Pangulong Marcos na magpatupad ng transformative measures.

Ang mga measures na ito ay naglalayong ma-elevate ang ang public service standards sa ating bansa.

Ito ay ayon sa programa at vision ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Bilang kasama sa cooperation efforts ng BOC sa WCO, patuloy itong sumasama sa mga miting at capacity building initiatives.

Patuloy rin ang kampanya ng ahensya para mapabilis ang modernization program nito.

“As we celebrate this special occasion, let us avow again our devotion to modernization and innovation,” ayon pa kay Comissioner Rubio.

****

Ayon sa ulat, mahigit ng 500 ang nahuhuli ng mga otoridad na lumalabag sa tinatawag na election gun ban.

Dahil election period na, hindi na puwedeng magdala ng baril outside residence kung walang exemption permit.

Ang permit ay ini-isyu ng Commission on Elections (COMELEC).

Tuwing malapit na ang eleksyon ay ipinapatupad ng Comelec ang gun ban para maging peaceful ang eleksyon.

May mga politiko kasing may mga private armed groups (PAG) para magamit panakot sa mga kalaban sa politika.

Ito ay gustong iwasan ng Comelec at Philippine National Police (PNP) para maging peaceful ang darating na halalan.

Kaya nagtayo ang gobyerno ng PNP-Comelec checkpoints sa buong bansa, lalo na sa mga “hot spots.”

Kahit mga pulis at sundalo ay hindi puwedeng magdala ng baril sa labas ng bahay kung wala silang exemption permit.

Tama naman ito.

Hindi ba Pangulong Bongbong Marcos?

****

Maraming nagkakasakit ngayon ng ubo, sipon at trangkaso.

Maginaw na kasi ang gabi pero ang mainit pa rin pagdating ng hapon.

Ang kailangan talaga ay kaunting pag-iingat dahil magastos ang magkasakit.

Kagaya ng bigas, gulay at ibang pagkain, mahal ang mga gamot ngayon.

Lalo na kung ikaw ay ma-ospital. Mababaon ka sa utang kahit na sa ospital ng gobyerno ka pa mapunta.

Hindi lahat ng gamot ay maibibigay ng mga public hospitals. Mapipilitan kang bumili sa labas ng ospital kung hindi available ang kailangan mong gamot.

Nakakaawa talaga ang mga mahihirap kapag na-ospital.

Ano kaya masasabi ni, Health Secretary Teodoro Herbosa?