Just In

Calendar

February 2025
M T W T F S S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
2425262728  
Carnap

QC pulis nakorner suspek sa carnap

15 Views

NALAMBAT ng pulisya ang umano’y karnaper matapos makumpiskahan ng baril sa Quezon City noong Lunes.

Sa report ni P/Lt. Col Joseph DM Dela Cruz, Station Commander ng Galas Police Station 11, bago ang insidente, isang testigo ang nagsampa ng kaso laban sa suspek dahil sa paglabag sa R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) noong Nobyembre 29, 2024.

Bandang alas-5:00 ng umaga, namataan ng biktima ang suspek sakay ng kinarnap na motorsiklo sa Women’s Club St., malapit sa Bayani St., Brgy. San Isidro, sa lungsod.

Dahil dito, inireport ng biktima sa PS 11 na nakita niya ang suspek na nagnakaw ng kaniyang motorsiklo.

Agad namang nagreponde ang mga pulis at nang makorner ang suspek ay napansin nila ang isang baril na nakasukbit sa baywang nito.

Hiningian ng pulis ng kaukulang mga dokumento ang baril subalit wala itong naipakita kaya agad itong inaresto.

Narekober mula sa suspek ang isang unit ng .12 caliber pistol, dalawang piraso ng 12-gauge ammunition, at ang ninakaw na Yamaha NMax motorcycle.